Bumiyahe ako kahapon ng 11:00 AM. Buti na kang di ako inaabutan masyado ng traffic. Syempre dahil galing sa shift, nakatulog kagad ang lola niyo. Nagising ako nung asa tarlac na ako. habang asa biyahe muni muni ako. napansin kong meron nag iisang puno na nasa gitna ng farm. hindi ko alam kung anong puno yun pero nalungkot ako nung nakita ko yun. nagiisa lang siya at ni wala man lang farm animals akong nakita. sabi nila kung mag isa lang ang tree wala siya ka kompetensya sa nutrients na na kukuha from the soil tsaka wala rin siyang ka kompetensya sa light. naisip ko, hindi naman siguro siya malungkot kahit mag isa siya dahil asa kanya na lahat...
+++++
Nakuha na ng nanay ko yung result ng CTSCAN niya. lumaki daw yung mass sa liver niya hopefuly, maagapan uli yun. my mother had therapy last year for lung cancer, lumaban siya at ngayon eh nagtuturo na uli siya sa university dito sa amin. idol ko ang nanay ko dahil magisa niya kaming pinalaki ng kuya ko. maliban samin meron pa siyang pinag aaral na mga kamag anak at mga taong di ko kilala. maraming taong natulungan ang nanay ko at nung kami naman ang nangailangan ng tulong, maraming sumuporta sa amin. ngayong nag spread sa liver niya yung cancer cells, panibagong challenge uli ito sa amin... i know everything will be fine...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
loner na kahoy? medyo malungkot din siguro yun. sabi nga mahirap mamuhay mag-isa sa tuktok ng bundok. salamat dito, napaisip ako. :)
hope everything will be fine.
Godbless. =)
praying for your mom...i know that she can make it...good people do...
Post a Comment