May attrition nanaman ako... forta! Nakakainis na... masama ba akong boss? Meron nanamang nag AWOL... pangalawa na to ngayong year na to. March pa lang ah... sabi ko na kasi ke Dexter eh (trainer namin) dapat yung mga hinahire yung kelangan talaga ng trabaho at hindi yung mag tatrabaho lang for fun.
Di ko lang talga maisip bakit kaya ang lakas ng loob nilang magpaka bum, yung aasa lang sa padala ng parents to think na may sarili na silang pamilya... hay, hirap talaga mag salita. Sabagay, diko naman din sila masisisi, kahit na sino sigurong sa callcenter nag tatrabaho eh mabuburat kung kausap mo eh puro racist. Naalala ko tuloy yung isang rep ko, sabi nung customer niya "i don't understand why they're bringing our jobs to third world countries like yours..." sabi ni batman " do you know what right click is?" sabi ni mr. customer "no" batman replied " that, sir, is the reason why we have your job..." Isa lang yan sa mga nakakainis sa scenario. Hay, sabi ko nga eh, kung meron lang puwedeng work na hindi sa call center eh di dun na lang ako. Pero saan? saan naman ako mag tatrabaho? Hirap din naman kasi mag hanap ng work na angkop sa course na natapos ko... Pwede siguro akong magturo pag natapos ko masters ko, pero kelan pa yun? Hindi ko na natuloy mula nung nag call center ako.
Alam ko wala akong karapatan mag reklamo dahil sumusweldo naman ako pero minsan kasi kakaburat na talaga. Tapos mga kasama ko pa sa trabaho eh wala ng ginawa kundi mag inarte...
Ayun, la lang reklamo mode lang nanaman ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
pa-link po...salamat ng marami
Naalala ko tuloy yung isang rep ko, sabi nung customer niya "i don't understand why they're bringing our jobs to third world countries like yours..." sabi ni batman " do you know what right click is?" sabi ni mr. customer "no" batman replied " that, sir, is the reason why we have your job..."
Panalo to!
he he. Sige ilabas mo pa! Ibuhos mo ang lahat ng sama ng loob mo!
I agree with Abaniko. Winner by technical knock-out yung rep mo.
Post a Comment