gusto kong lumipat uli ng bahay. sa 1 year and 6 months kong stay dito, 3 times na akong lumipat. ang unang lugar na napuntahan ko eh sa pasig. isa siyang 2 room apartment sa loob ng isang village. kelangan ko pang mag tricycle papasok ng village. hindi ako sanay mag tricyle dahil wala nun sa baguio. ok lang siguro masasanay din ako. lumipat ako dahil hindi ko matake yung mga kapitbahay ko. nung chineck ko kasi yung place, tahimik at hindi mukhang magulo. nalaman ko na lang ang katotohanan na letse hindi ko gusto yung lugar. yung katabi kong apartment eh mag asawa at isang anak ang nakatira. wala na silang ginawa kundi mag away. feeling ko nag patayan na yung mga yun, siguro nabalita na sila na miss ko lang. yung sa tapat ko naman dumadami at komokonti yung mga tao dun. sa araw tahimik dahil walang tao si ate lang ang nandun pero pag gabi na lahat ata ng pamilya, si lolo,lola, nanay, tatay, tita, tito at tig 12 na anak at mga anak pa nila ang nandun. fiesta gabi gabi sa tapat kong apartment. nag reklamo ako sa may ari ng apartment. kinausap naman niya ang mga kapit bahay ko. isang araw na tahimik ang mundo ko. after a few days. ninakawan naman ako. nawala ang cellphone ko at kung anu ano pang cheap sa loob ng apartment ko. weird kasi walang proof na pinilit buksan yung door ko. paranoid ang lola niyo, feeling ko yung me duplicate ng keys ko ang pwedeng gumawa noon. lumipat ako.
second stop ko sa boni, nag stay naman ako sa isang condo doon. nag usap kami ng friend ko. sige share na lang kami sa condo. sosyal. expensive. may mga kasama kami sa building na celebrity. ok lang. lapit lang sa work pwede akong mga bus, pero dahil tamad ako mag lakad, lagi akong nag tataxi. narealize ko mas marami pa akong nalalabas na money for rent and transpo kesa yung sweldo ko. hindi lang yan. may kaweirduhan yung friend ko. diko matake. mahal ko siya pero ayaw ko siya kasama sa bahay. nag decide akong lumipat.
dorm na lang ako ngayon nakatira. room. happy naman ako dahil safe yung lugar. accessible sa lahat. affordable at lapit lang sa office ko. hindi pwede ang visitors. lahat ng food ko kelangan bilhin sa labas. puro fastfood ang kinakainan ko. minsan na lang ako kumakain ng matinong food. gusto ko ng magluto ng sarili kong luto. gusto ko ng gulay. gusto kong kumain ng luto ko. gusto ko ng visitors.
lilipat uli ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Para ka palang nomad. Hehe. Good luck sa paghahanap. Sana makakita ka ng ideal na lugar para sa yo. You deserve a good place to go home to after a hard day's work.
hahaha. nakakatawa man pero pareho tayo ng sentimyento: hindi rin ako sanay sumakay ng trike aside sa malaki ako...walang ganito sa baguio. naimagine ko tuloy what if kung meron. hehehe
hey.. thanks for the comment.. kilala ko po ba ikaw? or kilala mo ba ako? anyways thanks for adding me sa blogroll mo.
i remain,
dal3pogi
ang malas naman ata ng mga lugar na natitirhan mo..try mo sa iba yung mas safe..pero sabi mo nga..di mo talaga malalaman kung ok hanggat hindi mo natitirhan..dagdag ingats na lang
mahirap talaga maghanap ng bahay.
I mean mahirap maghanap ng MAAYOS na lugar.
Good luck sa paghahanap.
katakot...baka nga nagbigti na ang sa kabilang kwarto..wahahha.
ako tinatamad lumipat...hay...
bawal bisita???? eh paano na ang iyong mga pangangailangan???
sana naman makakita ka na tlaga ng komportableng matitirhan at yung may kalapit na lutongbahay=)
paborito mo rin pala ang gulay, good for us!
Goodluck na lang sa paghahanap. =)
Sobra naman yung nakawan ka. Dapat kinompronta mo yung may hawak ng duplicate na susi!
Post a Comment