my new team
i think i mentioned that i am now handling a different team. masaya naman sila kasama. masaya sa trabaho. hindi lahat pasaway. utang na loob naman sana wag tumigas ang mga ulo nila.
EJ- siya na siguro ang pinaka "slow" sa kanilang lahat. sorry pero masaya siyang kasama as a person pero sa trabaho ewan ko lang. nabagok daw kasi siya sa motor accident at second life daw niya to. nabuntis niya girlfriend niya kaya windang siya ngayon. ayaw daw niya ng baby.
Joseph-pinakamatanda sa team. proud sa family niya. 8 years ang gap nila ng wife niya. 16 years old yung wife niya nung may nangyari daw sa kanila. nung time na yun, uso ang demandahan dahil sa menor de edad na nakikipag chuva sa over 18. kumusta naman diba.
Tyke-Six Sigma greenbelt. Ewan ko kung bakit nag apply na agent dito sa company. 3 daw ang asawa. isang asa Davao, isang overseas at yung kasama niya dito. pag nakita niyo siya sasabihin niyong nag jujoke lang siya pag sinabi niyang 3 asawa niya. hehe
Winwin- Working student. computer savvy. chinese. bata pa. makulit. ang unang tanong niya sakin -- "coach, may boyfriend ka?" cute daw sabi ng bading namin na office mate. o sige na nga...
Ocho-mahilig magbasa ng book. sobrang payat pero malakas kumain. mahilig din sa mga statement shirts. siya daw si achmed (puppet ni jeff dunham).magaling din. at yung mga jokes na nasa baba, isa siya sa may pakana nun.
Jeremy-bitter bitteran. first time mag work sa call center. sa Qatar siya dati work. manager ng isang store doon daw. pinili niyang umuwi ng pilipinas dahil hiniwalayan siya ng wife niya. at maliit daw ang Qatar baka mapatay niya yung lalake... at yung ex wife niya.laging umiiyak pag anak niya ang pinag uusapan. imagine niyo, mukhang addict na lalake, may tattoo tapos umi iyak.
JM-under daw according to his team mates. kaya daw laging antok sa office dahil pag uwi niya ng bahay siya pa mag aasikaso ng anak niya. maglalaba pa at magluluto pa for the family. laging nag mumura sa calls pero bago umuwi eto ang lagi niyang sinasabi sakin "coach, i'll go home na. god bless."
Val-breadwinner ng family niya. psych grad. nag turo na pero mas malaki daw kita sa callcenter. siya ang sumusuporta sa nanay, tatay, ate na may asawa and anak, ate na tinakbuhan ng pera at pinsan niya. siya ang bunso nila. nanliligaw sakin. bwahahaha. sabi ko, "sorry darling, di tayo talo."
Foi-may sister- in -law na namatay sa cancer. biglaan. di na diagnose kaagad. hindi na raw siya masyadong pumupunta ng church mula nung nilibing yung sister in law niya. close daw sila. ka age ko siya kaya kasundo ko.
Bhabs-nag work as a receptionist sa china. inayawan niya yung mga boss niya dun kasi daw kakaiba. bata pa pero ang laking bulas. 5'6". maganda. love team daw ni EJ sa team.
Jinky-nalunod ang sister sa ilocos na siya ang kasama. nung una daw feeling niya siya ang may kasalanan dahil naging irresponsible siya. feeling niya rin siya ang sinisisi. ok na siya ngayon. pero naiiyak pa rin pag nag kukuwento siya.
Gel-may kapatid na me bipolar disorder (tama ba yun?). sobrang responsible. nakikita ko sa kanya na nag tatrabaho siya ng husto para mabigyan ng appropriate na medication yung sister niya. bata pa siya. di niya natapos pag aaral para mag trabaho.
Ice- working student din. pero gusto lang niyang mag work for extra money. may boyfriend na officemate din namin. complicated daw yung relationship nila dahil may anak yung guy. ewan ko ba. minsan talaga nakakatanga ang pag ibig. haha.
Ghie-isa rin siya sa mga mejo me edad na sa team pero grabe ang energy niya. masayahing tao. mahilig sa green jokes. 15 years old na daw yung anak niya kaya pinapabaunan niya ng condom. haha. 10 years siya sa dating work niya pero nag sara yung company kasi kelangan ilipat sa malaysia kaya eto siya ngayon sa callcenter.
Reejay-bagong panganak ang asawa niya. blooming siya lately dahil jan. masayahing tao. cute nung baby niya promise. little reejay lang. family man.
Dom-tahimik sa grupo. may problema daw sa love life. sobrang mahal niya yung girlfriend niya laging nagpapapalit ng restday. laging nag tetext.
sila. sila ang lagi kong kasama sa office ngayon. may mga experience sila na nakakarelate ako. wish ko lang may magawa ako para sa kanila na ikababago ng kung ano man ang meron sila ngayon.
"Don't wait for time to heal. Time isn't a great healer-whoever said that hasn't lived. Time is time- it does nothing. It's God that does the healing." - Billy Evans (The Testimony of Taliesin Jones)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
new people are always good :)
thanks for dropping by!
gudluck sa team he he
im sure may matutunan ka sa kanila at may matutunan din sila sa iyo..
mukhang ok ang team mo ah!! mukhang makukulit!! ..hehehe..
buti naman masaya ka sa bagong team mo
cheers! weeee
aliw naman ang mga descriptions nila. :)
hm.. parang kilalang kilala mo agad mga agents mo.. hehe.. kanya kanyang kwento.. kanya kanyang stado sa buhay.. =)
goodluck sa team mo!!=)
namiss kita kaya nagbabalik ako. nabura ang blog list kaya hayuuun.
gudlak sa team!
seems like a nice bunch of people. ala bang pityurs?
Post a Comment