hay sa wakas naka pag blog na uli ako. actually, naka uwi ako nung 31st ng madaling araw. i was able to spend new year with my family. sa wakas. after 4 years of not spending it with them, ok na uli. nag stay lang ako sa bahay mag hapon ng 31st hangang 1st din ng hapon tapos nakipag meet din ako sa best friend ko na naka duty sa hospital nung new year's eve. daming nangyari before natapos ang taon promise.
christmas party ng account naming and ng company was fun. after nun, nag resign yung big boss namin so ang daming changes. palit kami ng big boss, intro introduction. setting expectations. mga ganung bagay.
after two weeks nalaman namin na dapat kaming magbawas ng tao sa LOB namin dahil sa budget na rin ng client namin. promise. big time na software company ang hawak namin kaya i didnt expect na mangyayari din to samin pero crisis nga kaya ganun. i was given the task to talk to those who will be transferred to a different LOB. good thing because they will not be really be fired but they would only be transferred. the thing is nung week ng christmas ko sila kina kausap and it was really so stressful kasi meron talagang iba ng hindi open sa changes. may nag co complain na kesyo bakit daw sila ang malilipat at hindi yung iba. meron namang nag mamatigas na mag reresign daw kung malilipat sila. it was explained before hand that the basis for those who will be transferred would be attitude and performance. lagi naman ganun eh. lumabas ang totoong ugali ng mga tao nung time na yun. naiintindihan ko naman kasi nga major change ang mangyayari. they will be reporting to another boss and they will have to adjust to other people again. they will have different kind of support. pero that's really part of life. change.
naloka lang talaga ako, sobrang nakaka drain yung time na yun. feeling ko i was always tired kahit na complete ang tulog ko. sa tagal ko sa company na to at sa dami ng changes na nangyari habang nandito ako, ngayon ko lang na experience yung ganung feeling. ang nakakainis pa yung isang kasama kong sup na malilipat din, may sama pala ng loob sakin dahil siya ang malilipat. never niyang ni raise yun everytime na me meeting kami with our bosses. nalalaman ko na lang sa mga nag susumbong sakin na meron siyang mga sinasabi na kakaiba. pero di bale, ayokong mag new year na masama ang loob sa ibang tao dahil baka buong taon na ganun ang feeling ko. wala siyang magagawa pati dahil performance based nga ang nangyari. i know lang na medyo mahihirapan ako dahil mag isa ko na lang maghahawak nung sa LOB namin at lahat ng task sakin mapupunta plus dadami ang hahawakan kong tao dahil malilipat sakin yung mga naiwan sa team niya dati. i know i can do it promise.
buti na lang makakapag bakasyon pa ko. i enjoyed naman yung celebration namin. hindi siya bonggang bongga pero masaya talaga kung kasama ang pamilya sa okasyon na mga ganito. on sunday naman. i will have lunch with my father's family. haha. weird. anyway, ang dami kong gustong isulat pero diko alam kung pano ko gagawi yun. gusto kong mag labas ng lahat nang nafifeel ko ngayon pero diko rin madescribe. blogging is really my outlet. may mga nasusulat ako dito na kahit best friends ko eh hindi alam.
hangang sa muli, i know this entry does not really make sense. its not even organized but that's just me.
happy new year everyone. let's all be happy this year.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kahit ako yung mga friends kong iba di alam na nagblo- blog ako eh, minsan kasi mas maiintindihan pa ng ibang tao ang ating saloobin.. haha drama!! ^^
na miss ko pumunta dito
Post a Comment