Sunday, November 30, 2008

ading

nasubukan niyo na ba yung sobrang bored kayo at naisipan niyong igoogle yung name niyo? well, ako lagi kong ginagawa yun. chini check ko lang naman kung may kapareho ako ng pangalan. hahaha. anyway, wala akong nakitang kapangalan ko pero nakita ko yung profile ng half brother ko. ahaha. isipin mo yun. tagal ko na siyang di nakikita. nung huling nakita ko siya, kasama siya ng daddy ko nung nag lunch kami. medyo mataba pa siya nun. nung bata pa kasi yun, mataba na talaga siya. one week akong nag stay sa bahay nila nung grade 4 ako dahil lumayas ako sa bahay. wala namang pang aaping nangyari dahil in fairness inasikaso naman ako noon. bading din yung step brother ko kaya medyo kasundo ko siya.

natuwa lang naman ako dahil i did not expect na makikita ko siya, second year college na pala ang batang yun. honga pala na kuwento din ng daddy ko yun sa kin. parang ang sakit lang sa akin na lumaki siya na kasama daddy ko samantalang ako, 3 years old pa lang ako wala na akong tinatawag na daddy. anyway, ganon talaga ang buhay. deadmatology na lang.


palmer, ading ko, mag aral ka ng mabuti ha. our daddy is so proud of you. lagi niyang kinukwento na ayaw mo nung uniform niyo kasi nahihiya ka. lagi daw malaki bag mo pag labas ng bahay dahil sa school ka na lang mag bibihis. gayahin mo ako, wala akong inulit na subject nung college. at dapat 3 and 1/2 years ko lang kukunin ang course ko pero pasaway yung isang instrcutor, ayaw akong pag bigyan. hehe. at wala din akong na drop na classcard ni isa. i know that byron naman is working really really hard for you. sana lang yung mga family natin di ma subukan yung naranasan natin. nag shashare ng daddy, i know that habang lumalaki ka na rerealize mo din kung anong nangyayari. basta take care of your mother and our daddy. they are both sick so don't give them sakit ng ulo. if you need help nandito lang ako and kris, our manong. we maybe not close but we are still family. i love you brother.

3 comments:

Kiks said...

ang sweat naman ni moi.

im sure macho na rin si kuya.

or rather, metrosexual.

or rather... chos.

basta, mag-aral ng mabuti!

Anonymous said...

ilocano?

ading din kase tawag ko kay bunso....

ilocano ka din?

domjullian said...

sounds Ilocano.