nagpunta nung week end sa cebu ang mga lalake. ayaw kaming isama.
si mr banker, na confused kung ano ba talaga siya.
si mr banker (2), adopted na ng frat kuno. officemate ni mr banker.
si dal, college friend nila.
si mr treasurer, brod din na me asawa na na pasaway din. feeling namin kinacareer din siya ni mr banker. sa cityhall nag wowork.
si nlj, brod na asawa ng friend ko at pinaghihinalaan naming boyfriend ni mr banker. (joke lang namin ng mrs nlj yun pero jokes are half meant hahaha)
actually, wala naman akong paki alam kung me ginawa silang kung anu man sa cebu. concerned lang talaga ako ke mrs nlj, friend ko. matagal ng issue ang babae sa relationship nila. nakita ko kung pano umiyak si mrs nlj dahil sa loob ng four years na kasal sila ni nlj eh hindi niya kilala ang asawa niya. hindi niya alam na nagkaroon ng gonorrhea si nlj dahil sa hilig nito. hindi ko rin naman nakwento sa kanya dahil akala ko alam niya. at tsaka hindi na yun dapat pinag uusapan sa labas.
unang issue nila si emma, ang babae ng bayan. pinagpasapasahan nila ang girl na to. hindi ko alam kung sino dapat ang sisisihin, ang mga boys na sinasamantala ang situation emma or si emma na nagpapakatanga at pumapayag na babuyin siya ng mga lalakeng yun. nalagpasan nila yun, hindi pinatulan ni mrs nlj.
second issue, si yani. bagong pasok siya sa sorority nun. school mate ni mr banker and nlj nung elementary. maganda rin si yani, malaki boobs kaya lahat ng manyakis napapatingin sa kanya, talented-magaling kumanta. hindi na sana namin malalaman ang tungkol sa kanila ni nlj pero nag lakas loob itong si yani na siraan si mrs nlj. siya pa ang may guts awayin si mrs nlj. lahat ng mura natanggap ni mrs nlj from her. malaking gulo ito sa fraternity-sorority. pati ako nadamay dahil kaibigan ko si mrs nlj. lahat sila kampi kay yani. ako, walang paki alam kung aawayin nila ako. dun ko nadiscover na plastic lahat ng nakapaligid sa akin. nalaman ko kung sinong totoong kaibigan. tumahimik din sa wakas. nanahimik lahat ng tao. nag karoon ng gap pero tahimik na.
third issue at latest, cebu girls. di na uli sana malalaman ito pero tanga talaga si nlj. hindi niya binura lahat ng text messages nila nung nasa cebu sila. nabasa ni mrs nlj na sabay sabay silang nag check in kasama ang mga babae. pati mga description ng kababayun nila nasa text. hindi ko alam kung pano ako mag rereact nung kinukwento niya yun sakin. lumabas na lang siya ng bahay at iniwan ang wedding ring nila. nag text na lang siya sa asawa niya, baka mapatay daw niya kung kausapin pa niya ng maayos. ang hindi ko pa matake ay ang reply ni nlj - naive daw si mrs nlj. lahat daw ginagawa yun for fun. hahaha. naive na kung naive pero sa tingin ko kung may respeto siya sa asawa niya di niya yun gagawin. naloka ako dahil pati si mr treasurer at si mr banker/2 eh puro pambababoy ang ginawa doon.
siguro adventure para sa kanila yung kakaibang sexcapades pero hindi na nila nirespeto pati yung mga prostitute na yun. kahit papano, tao pa rin sila na may pakiramdam and kahit konti dapat nirerespeto pa rin sila bilang tao. hindi nila naisip na may mga nanay sila at mga kapatid na babae. ewan ko ba kung bakit ganun. diko matake talaga yung mga ginawa nila. at proud pa sila na puro gasgas yung mga girls na yun. all i can tell mrs nlj is to pray for enlightenment and guidance in her decisions. hirap.
basta mga monsters sila. they don't know how to respect women, then they don't deserve even a bit of my respect. damn them. syet silang lahat. monsters!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
sa totoo lang...im guilty din sometimes...
kagaya ng sinabi mo may kababoyan din ako..
pero mahirap intidinhin ang buhay at sarili...
iba kasi tayu ng pananaw..lalaki ako...babae ka...
sana nga malagpasan niyan ng fren mo..
kawawa naman ung friend mo...
sana maayos pa nila ito...
bigat ng post na to. ang problema, ang katotonan kasi, magkaiba nga ng pananaw ang magkabilang gender sa mga gawaing ito. shocking man sa yo, pero sa kanila, bonding moment nga ang kababuyang ito. hay. (btw, ok lang po na gamitin nyo ang pic)
Ano bang meron sa Cebu??? *LOLz*
Me first-hand experience din kasi ako diyan. Kasama ko naman mga boss ko and other colleagues. Majority sa kanila eh me mga asawa na. Ayun nangyari na ang mga dapat hindi mangyari. Wala naman din akong nagawa. My reason may not be acceptable pero parte na din kasi ng culture 'yun sa dati kong kumpanya, at kailangang makisama.
Kaya ayun, wala na ako dun ngayon. Nangibabaw kasi 'yung prinsipyo ko.
tsktsktsk na lang ang nasabi ko
Naku......
grabe naman.. sana nga magkaayos pa sila ng friend mo, pero kung ako yung babae, aayaw na ako.. yun lang.. kung ganun ba naman ang lalake eh. as per my opinion lang naman..
Natawa naman ako sa Monster!
hay, masakit talaga yun sa mga babae.
kaya kung di maiiwasang gumawa ng kababuyan, itago maige nang hindi makasakit...
Sa isang relasyon, dapat walang naaagrabyado. Kung ako lang ang babae, unang betrayal pa lang, sorry na. Hiwalayan kaagad. Pero ako yan eh. Iba ang kaibigan mo. Sana okay lang sya.
Post a Comment