Friday, August 29, 2008

birthday rant

yep... lapit na talaga birthday ko. lapit na ang september 11. opo. yan ang birthday ko. ang makasaysayang 9/11. pero hindi ako mag rarant tungkol sa bombing.

napaisip lang ako. ano bang meron ang age? bakit ayokong ipag sabi kung ilang taon na ako. kahit sa mga hindi ko kakilala nahihiya ako. ang naisip ko lang na reason ay dahil at my age wala pa akong na a-achieve at nahihiya ako dahil yung mga ka age ko feeling ko sobrang nakuha na nila yung gusto nile. ano nga ba ang gusto ko? yan ang diko masagot hangang ngayon. feeling ko natural sa mga tao ang hindi contented sa kung anong meron sila. we will always look for more. mas malaking bahay. mas bagong kotse. mas malaking sweldo. mas mataas na posisyon sa work. mas maraming pera. mas maraming tatak sa passport. kelan kaya tayo makukontento sa kung anong meron.


sabi nila yung mga namamatay ay masaya na sa kung saan man sila naroroon. masaya kaya sila dahil na achieve nila yung gusto nila bago sila namatay or masaya sila dahil hindi na sila mag hahangad pa ng kung anung meron na sila?

Saturday, August 23, 2008

home

mejo magiging busy ko... unfortunately di muna ko makakapagrant at makakapamasyal sa blog world. basta i'll also take this time to reflect uli. lapit na birthday ko.

Sunday, August 17, 2008

change schedule

pang araw na uli ako. hindi ako morning person kaya mukhang mahihirapan ako sa bagong shift ko. hay... sana wag ako malate hehe. kakatamad gumising ng maaga.

la lang... wala lang ko magawa. 7 days straight na ko nag wowork. nagpapaka martyr.. di joke lang. nag papa goodshot lang para makapag leave ng mahaba.

Monday, August 11, 2008

kakalungkot

anong nangyayari sa mundo? lahat ng tao nawawala... ang pag bloblog ang isang way para malabas ko ang hinanakit ko sa mundo. ito rin ang way ko para hindi mabore. ito rin ang way ko para maka kuha ng lessons. believe it or not, lahat ng binabasa ko meron at meron akong natututunan. kung gaano kaganda ng buhay. na lahat ng barriers ay kaya nating i overcome. nalulungkot lang ako dahil unti unting nawawala ang mga tao.

sayang lang... pero kung asan man sila ngayon, i'm sure happy sila.

Saturday, August 9, 2008

nagmamaganda

yung nagfeefeeling kong rep, si Val, feeling ata eh jowa ko siya... aba naman lahat ng pinupuntahan ko eh kelangan niyang malaman. ay sorry naman! di ako ganun no. diko siya type at sabi ko nga di kami talo! bad trip lang kasi talaga dahil kahit sa office pasaway na.

minsan talaga may mga taong pag ibinigay mo braso mo gusto nila buong kamay kukunin nila. hindi sa nagpapaka feeling din ako pero mabait ako sa mga reps ko. basta sumusunod sila sa policies ng companya ok ako dun. di ako naninigaw unlike yung ibang mga TL dito. duh!!! hindi naman to school no na nakukuha sa pasigawsigaw ang mga tao. nirerespeto ko rin ang lahat ng mga tao sa paligid ko. bad trip lang talaga ako pag ikaw eh pinagtatanggol ko na sa mga boss eh magpapaka kupal ka pa na magpapakapasaway. hay. badtrip talaga...

ayan nag rarant nanaman ako... la lang bad trip lang talaga ako sa Val na yon. syet!