Sunday, December 23, 2007

Pera

Nagsimula tayong magkaibigan. Pinagkatiwalaan kita, sinabi ko sayo lahat ng tungkol sakin. Tinanggap ko ang mga insulto ng nanay mo sakin. Sabi mo kahit anong mangyari di tayo bibitaw sa isa't isa. Naniwala ako. Sabi mo walang iwanan, naniwala ako. Sabi mo walang makakasira sa relationship natin. sabi mo kaya mong mabuhay na wala ang luho mo. Naging masama ang tingin sakin ng mga tao sa office dahil di nila alam ang kwento natin. Hindi ko yun pinansin. Nagplano akong kasama ka. Binago ko ang takbo ng buhay ko dahil sayo.
bakit ganun, bigla kang nagbago... nagbago ka dahil yung negosyo niyo kasosyo pala yung pamilya ng ex mo at sabi mo nga babagsak yung business niyo kung pull out nila pera nila. Mawawala lahat ng luho mo. Napaka telenovela mo, bakit ganun? di mo man lang ako kinausap at sinabihan na nahihirapan ka na pala. di mo sakin sinabi na ayaw mo na. Iniwan mo ako sa ere. Iniwan mo ako sa kawalan. Nawalan ako ng direksyon. Ok lang naman kung kinausap mo ako eh, pero hindi. Bigla kang naglaho...
masaya na ako ngayon, inaayos ko na ang buhay kong ginulo mo, natuto ako. sana masaya ka na rin sa buhay mo, sana masaya ka sa pera mo. sana lang wag maubos ang pera mo para lagi kang masaya...

2 comments:

Kapihan ni Qroon said...

Ang ganda ng banner/header mo :)

Sexymoi said...

qroon, suset sa galera po yan... :)