Saturday, February 23, 2008

work, work, work...

back to work... back to reality...

Tuesday, February 19, 2008

peste



akala ko ok na ako... akala ko nakaget over nako. nagkamali pala ako. bakit naman kasi ang liit ng mundo eh. bakit sa dinami dami ng kompanya kung san pwedeng mag apply kaibigan ko sa inyo pa siya nag apply at ang masama pa niyan naging TL ka pa niya. syet. syet. bakit? at bakit din kelangan maging office mate niyo ang kapatid ng isa pang ex ko. syet talaga. ang sikip na ng mundo natin. di na ko makagalaw. pumayag akong makipagkita sayo dahil akala ko magiging ok lang ako pagkatapos.

ok pa naman ako nung napag usapan pa lang natin na magmeet tayo kasama ang friend ko na agent mo. dumaan kayo ng office namin, hinintay ko pa kayo. ok lang me tatapusin din naman akong deliverables ko. nagtext kang nasa baba na kayo. number lang ang nag appear dahil binura ko na pala yung number mo sa phone ko. bumaba nako. nag ayos pako konti para naman hindi mo ako makitang haggard, naging boss mo rin naman yung boss ko kaya alam mo kung anong klaseng boss meron ako. isa pang kinakakasama ng loob ko yan sa'yo, iniwan mo akong linisin ang pangalan mo sa office. nagresign ka at ini asa mo sa kin lahat ng dapat mong tapusin bago ka magresign. mga agents mo dati ako nag asikaso. ni ha ni ho wala akong narinig from you. pero ok lang lang. kahit na sarili kong agents di ko na naasikaso dahil sa spoiled mong agents, mahal pa kita noon. sarado pa mata ko noon.

una kong nakita yung friend ko. pagsilip mo sa window ng sasakyan mo. naloka ako. bumalik lahat sa akin. lahat lahat. lahat ng mura at pang iinsulto sakin ng nanay mo dahil hindi kami mayaman. mga tawag tawag ng kapatid mo at iba mo pang kamag anak. ang mga friendster message ng kapatid mo. naalala ko kung pano mo ako nilaglag. kung paano kong binago lahat ng plano ko sa buhay dahil kelangan kasama ka na sa plano ko. binago ko lahat yun para ma accomodate kita. naalala ko yung sinabi mo sakin na "no matter what happens, baby, i won't leave you..." tinanong kita ng maraming beses, "are you really ready for everything? being with me means sacrificing a lot. that means sacrificing some of your luho. unlike your family, we don't own a lot..." sabi mo "i'm willing to sacrifice everything just to be with you". pinababalik kita sa mama mo pero ayaw mo. sabi mo di mo kayang mawala ako.
naniwala ako. naniwala akong walang iwanan. nilunok ko lahat ng insulto ng nanay mo. hindi ko sila pinatulan kahit na sa tanang buhay ko sa kanila ko lang na experience ang ganun. respetado ang pamilya namin kahit middle class lang kami at di katulad niyong natutulog sa pera. pinalaki kami ng maayos ng mama ko (kahit lagi akong nagmumura at pasaway ako) kaya nanibago ako sa trato ng pamilya mo sa akin. tapos pagkasabi lang sa'yo na tatangalan ka ng mana, bigla kang nawala. syet ka. syet ka talaga.

siyempre hindi mo dapat malaman na hirap pa rin ako dahil mas lalong lalaki ang malaki mo ng ulo. hindi ako hirap dahil mahal pa rin kita pero hirap ako dahil sinira mo plano ko sa buhay. sinira mo lahat lahat. nagsimula nanaman ako ako. inaayos ko na buhay ko. buhay kong pinayagan kong sirain mo. hirap ako dahil pumayag akong gaguhin ng isang katulad mo. alam natin pareho kung saan galing yang yaman niyo. alam nating pareho kung saan kayo nagsimula. at alam mo kung anong prinsipyo ko sa buhay. tinanggap kita ng buo kahit taliwas ang ibang bagay na ginagawa niyo sa prinsipyo ko. tapos ilalaglag mo lang ako. eh gago ka pala talaga eh.
dahil nga sa mga pagkakataon na di maiiwasan, kelangan kong matutong mabuhay na nakikita ka. maliit na nga ang mundo. lalo pa itong sumisikip habang tumatagal. wala akong magagawa kundi pag aralan ang mag co exist with peste na katulad mo. ayoko ng tumakbo at magtago. diko yun gagawin dahil lang sa isang tulad mo. hindi ako perpekto alam ko yun pero peste ka pa rin. kung yan ang tingin ng pamilya mo sakin. pwes, peste ka rin ng buhay ko... hindi lang sa buhay ko kundi sa ibang tao. sa mga taong napapaniwala niyo at ginagamit niyo.

Saturday, February 16, 2008

post valentine's blues




Haaayy.. been out for a while. i just don't want to talk about valentine's day, love and sex. haha. bitter? oh yeah, maybe i am but i don't care. i went out of town for vacation. i spent some time with my friends and i realized that i missed them so much. we didn't really do anything but talking to someone who could understand you really helps. i talked and talked and talked and talked and they listened even if i know that i was already talking nonsense. talked 'bout my sucky job and someone offered to have my resume printed (weow, i liked that), talked 'bout my mom and they comforted me, talked 'bout my a-hole ex-boyfriend and well, they just laughed at me because for the nth time i failed this aspect of my life. hehe. anyway, i feel lighter and better after unloading everything. thanks to my real friends. labya ol!

Tuesday, February 5, 2008

booboo

Rome : Thank you for calling ______ Customer Service my name is Rome, may I have your first name please.

Customer: R-U-T-H

Rome: I'm sorry ma'am, I'm a customer service representative not a T.H.

Moi: cartwheel ako sa floor

Saturday, February 2, 2008

after restday

i have a lot of things to do after my rest day so i'll not be posting any for a few days. grrr... i might be firing someone from my team, God, i hate doing that, but he has to suffer the consequences of his actions...